Wednesday, May 5, 2010

Ang mundo ay tutulungan ko

Tumatakas ba ako
sa magulong mundo?
Yan ang tanong sa sarili

Hindi lubos mawari na
ako ay masaya samantalang
ang mga kababayan ko
ay gutom at naghihintay ng himala

Na sana madinig ng Diyos
ang kanilang munting tinig
na sana'y matanggal ang malaking tinik
sa kanilang dibdib

Kaya anong ginagawa ko dito?
Kailangang ayusin ang magulong mundo
kailangan magmadali dahil baka bukas ay huli na
Baka ang mga mahal ko ay mawala na

Hindi hahayaang mag aksaya
Hindi dapat magsawalang bahala
Kailangan magmadali
Ayusin ang sarili at ang mundo
ay tulungan ko....

No comments:

Post a Comment